Paano Malaman ang WiFi Password Gamit ang Iyong Windows 11 Laptop?
WiFi Password Reveal Gamit ang Windows 11 Laptop Nais mo bang malaman kung ano ang password ng WiFi kung saan ka nakaconnect? Gamit ang iyong Windows 11 laptop, napakadali lang itong gawin. Kung interesado ka, panoorin ang video na ito dito lang sa... Pj Tutorials! Step 1: I-click ang WiFi icon. Step 2: I-click ang right arrow katabi ng WiFi Name kung saan nakaconnect ang laptop mo. Step 3: I-click ang info icon katabi nito upang lilabas ang iba pang options tungkol sa WifI Network na ito. Step 4: Mag-scroll down hanggang sa makita mo ang "View Wi-Fi Security Key". I-click ang "View" button. Lalabas na ang WiFi password ng kasalukuyang WiFi kung saan ka nakaconnect. Puwede mo na itong kopyahin para makaconnect ang iba mo pang gadgets. Kung nakarating ka sa part na ito, baka naman puwedeng pakishare ang video na ito sa iba. Paki-like na rin po at subscribe kung puwede. Paalala lang kapatid, huwag itong gawin para nakawin ang WifI password. Gawin lamang ito k...