A CHEAPER WAY TO BE ONLINE - CHANGE THE GLOBE AT HOME PREPAID WIFI SIMCARD ITO A REGULAR PREPAID LTE SIM

INTRODUCTION

            Sa article ito ay aking ituturo kung papaano palitan ang SIM Card ng Globe AtHome Prepaid WiFi. Pinalitan ko ang simcard ng wifi na ito gawa ng mas mura ang mga promos sa regular LTE Prepaid.

Disclaimer: Kung pagpapasyahan ninyo na sundan ang aking ginawa, please do it at your own risk.



MGA GINAMIT KO SA ACTIVITY NA ITO:

1) Globe AtHome Prepaid WIFI B312-939

2) Globe Prepaid LTE SIM 

3) LAN Cable/ RJ45 

4) Admin Access Instructions 

        Kaya natin gagawin ito mga kaibigan ay para makapagregister tayo sa mas murang GO promos ng Globe. Mas mura kasi ito kaysa sa mga GOSAKTO at iba pang prepaid promos ng globe.

      Alam kong marami ang bashers ng modem na ito dahil pangit raw ang kanilang mga experiences dito. Pero alam ninyo, minsan, ito lang ang natatanging choice ng ilang nating mga kababayan para makaconnect sa internet, lalo na kapag wala naman silang pampainstall ng wired internet gaya ng Converge at PLDT. Sa panahon ngayon ng pandemya, kailangan nating makaconnect sa ating mga katrabaho, mga estrudyante, mga guro, o ating mga kliyente maya’t maya. Kaso mahal naman ang internet. Minsan may promos ang globe na mas mura kaysa sa regular na surfing rates. Kaya naman ginawa ko ang video na ito para kahit papaano ay makatulong sa inyo.

WHAT ARE THE REQUIREMENTS?

               - Globe At Home Prepaid Wifi (Huawei B312-939)

- New Prepaid SIM Card

                - LAN Cable

                - Internet Browser

                - Admin Access (user name and password) May nilagay po akong link sa ibaba kung papaanong makakuha ng Admin Access)

PAPAANO GAWIN 

STEP 1. Tanggalin ang simcard mula sa modem. Please take note na ang pagtanggal sa simcard ang magkocause para mavoid ang warranty ng modem (kung nasa ilalim parin ito ng warranty)

STEP 2. I-unpack ang bagong simcard at ipasok sa modem. Ang pinakamaliit na cut ng SIM card ang kailangan ng modem na ito. Siguraduhin lamang na may load pang-internet ang bago mo ng SIM card para matest natin ang ating internet connection pagkatapos ng prosesong ito. Puwede ka namang magpaload sa suki mong retailer. Ipadirecho mo na sa GO50 or GO 90 promos para registered na agad sa data promo ang bago mong SIM Card.

STEP 3. I-connect ang LAN CABLE sa LAN port ng iyong laptop/desktop

STEP 4. Isaksak mo na ang modem sa kuryente. Hintaying magfully functional ang modem.

STEP 5. Buksan ang iyong paboritong browser at itype ang IP address ng iyong modem sa address bar. Ito ay ang 192.168.254.254. I-press ang enter pagkatapos mong i-type ito sa address bar. Dadalhin ka ng iyong browser sa LOGIN page ng iyong modem.

STEP 7. Sa login page ng iyong modem, i-type mo na ang iyong ADMIN username at password.

STEP 8. Upon successful login, I-click mo ang "Mobile Network" menu tapos i-click mo ang + icon sa Profiles list para makapagdagdag tayo ng bagong APN o accesspoint. Ito ang address kung saan magkuconnect ang ating modem sa network ng globe. Click SAVE kung tapos na. Tapos na! Ang kailangan mo na lang gawin ngayon ay itest ang iyong internet connection.

IN CLOSING

Ngayon at maaari mo nang loadan ang iyong prepaid simcard na nakasalpak sa modem. Mas maigi ang GO promos dahil mas tipid ang mga ito kumpara sa mga GOSAKTO promos.

Kung nakatulong sa inyo ang video na ito, baka naman maaring ikaw ay magsubscribe sa aking YouTUBE channel ( www.youtube.com/pjmiana ) upang manotify ka sa tuwing mag-aupload ako ng video sa ating channel. Paki follow na rin ang page na ito upang updated ka lagi. Salamat. 

 

ADMIN PASSWORD LINK:

-          https://www.youtube.com/watch?v=gii9jl2pJu4&t=273s


PLEASE BROWSE MY CHANNEL FOR MORE VIDEOS YOU COULD USE AT

www.youtube.com/pjmiana and look for the playlists.

Comments

  1. You can also visit my youtube channel for more stuff like this.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

DepED Order No. 7, s. 2023 - Guidelines on Recruitment, Selection and Appointment in the Department of Education.

PAANO MAG-ENROL NG STUDENT SA LIS (BOSY 2020-2021)?