PAANO MAG-ENROL NG STUDENT SA LIS (BOSY 2020-2021)?

Hello!

Ito na naman po si Teacher Pj bumabati sa inyo ng magandang umaga, tanghali, hapon ---- at ikaw na nagpupuyat para lang maka-enrol sa LIS! Saludo ako sa iyo, teacher. Magkape ka muna!

Open na po ang enrolment facility ng ating Learner Information System (LIS) para sa School Year 2020-2021. Pero bago ang lahat, PLEASE subscribe, mams at sirs sa aking YouTUBE Channel www.youtube.com/c/pjmiana kung nais po niyo na mapanood ang mga ganito ko pang tutorials.



Bago natin simulan ang tutorial, i-confirm muna sa magulang ng bata kung pinal na ang kanilang desisyon na sa school ninyo niya papag-aaralin ang kaniyang anak base sa LESF.

- Lahat ng mga mag-aaral na inyong ii-enrol sa LIS ang mga compirmado lamang na mag-aaral sa inyong school ngayong SY 2020-2021.

MGA UPDATES PO SA ENROLMENT FORM SA LIS NGAYONG TAON GAYA NG:

·         DATE OF OFFICIAL ENROLMENT na dating DATE OF FIRST ATTENDANCE (Nauna kasing madeploy ang Enrolment Facility kaysa sa actual enrolment, di gaya ng mga nakaraang taon.

·         TAGGING OF COUNTRY OF CITIZENSHIP kung sakaling may mga estudyanteng galing sa ibang bansa.

·         TAGGING OF ACTUAL MODALITY na gagamitin ng mag-aaral

·         TAGGING OF CONDITIONAL CASH TRANSFER (4P's) FOR PRIVATE SCHOOLS; at

·         INCLUSION (O Pagsali) NG "ACTUAL MODALITY" SA FORM 1 Pero nang sinubukan kong magdownload ng Form 1 sa LIS para makita ko ito ng actual, nagsalita ng ALIEN un website (laughs). Hindi pa available ito to download as of the moment.

TARA, magsimula na tayo!

1.       Gaya ng dati, pumunta sa LIS website at magsignin gamit ang iyong Adviser's Account.

2.       Pag nakalogin ka na, navigate to Masterlist para makita ang ENROL button.

3.       I-click ang ENROL BUTTON. Pag nasa enrolment page ka na, siguraduhing ang data ng batang iyong iienrol ay updated base sa NSO o sa Form 137. Maari mong i-enrol ang mag-aaral throgh Name or through LRN. Sa tutorial na LRN ang ating gagamitin dahil mas mabilis ito at mas tumpak.

4.       Ito na rin iyong moment na mas maigi na nakaready na ang listahan ng LRN ng mga bata para mas madali ang enrolment iyon bang tipong puwede mong i-copy at i-paste sa LRN Field?

5.       Para magsimulang mag-enrol, mangopya ng LRN mula sa iyong listahan at i-paste ito sa form. Pagkatapos ay i-click ang "Search" button.

6.       Lalabas ang record na eksakto sa LRN na ginamit mo sa search box. I-click ang "Preview" upang magpatuloy.

7.       Kung naconfirm mo na tama ang mga data, click "CONTINUE".

8.       Heto na ngayon ang isa sa mga updates ng LIS - and Date of Official Enrolment. I-enter rito kung kelan and official enrolment ng mag-aaral as confirmed by the parent. Click CONTINUE to proceed.

9.       Lalabas ang mas marami pang mga katanungan ukol sa mag-aaral na iyong iienrol. Panoorin ng maigi kung anu-ano ang mga ito. 

10.   Gaya ng nabanggit kanina, isa sa mga updates ng enrolment sa LIS ngayon ay ang tagging ng COUNTRY OF CITIZENSHIP ng mag-aaral. By default, ito ay nakaset sa PILIPINAS kaya gagalawin mo lang ito kung ang mag-aaral na ienrol mo ay galing sa ibang bansa.

11.   Isa pang update ay ang ACTUAL MODALITY na gagamitin ng  mag-aaral sa pag-aaral.

12.   Kung naiset mo na lahat ang mga kinakailangang data, click ENROL. Maii-enrol na ang mag-aaral sa LIS. Kita niyo naman, may laman na ang ating CLASSroom.

13.   CONGRATULATIONS! Ngayon, ulitin mo na lang teacher ang mga steps na ginawa natin para sa mga susunod na isang libo mong estudyante.

 

Comments

Popular posts from this blog

DepED Order No. 7, s. 2023 - Guidelines on Recruitment, Selection and Appointment in the Department of Education.